Para sa impormasyon at gabay ng lahat ng mga mag-aaral at magulang ng KES sa darating na pasukan sa JULY 29, 2024 (Lunes), narito po ang oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral gayundin ang entrance at exit.
Upang malaman ang section ng inyong mga anak ay maaaring bumisita sa ating paaralan at tignan ang nakapaskil na Class Organization sa ating lobby. Kung hindi pa nakapag-enroll ang inyong anak ay magtungo lamang po sa Guidance Center ng ating paaralan.