Pagtatapos
Lubhang kaybilis ng panahon
Tila di ko namalayan
Sa aking hinuha’y musmos pa lamang
Di malilimutan saya’t lungkot tila magkatuwang
Ngunit ngayon nga’y inyong lilisanin
Paaralang naghubog, nagkanlong at umakay
Pabaon namin sa inyo ay dasal at mainit na pagtangi
Patuloy na magsumikap, paunlarin ang isipan
Ang Pagtatapos ay bagong simula, bagong yugto ng bagong pakikibaka…